McGregor, Horn nakalinyang makalaban ni Pacquiao

INANUNSYO ngayon ni eight-division world champion Sen. Manny Pacquiao ang mga posibleng niyang makabakbakan sa ibabaw ng ring sa 2018.

Sinabi nitong kabilang sa kanyang pinagpipilian ay si UFC lightweight champion Conor McGregor.

Ikinokonsidera anya ng kanilang kampo na kausapin ang Irish MMA star para sa posibleng paghaharap nila sa ibabaw ng boxing ring.

Una nang tiniyak ng “Fighting Senator,” na sasabak siya sa boxing ring Abril.

Matatandaang kapwa nanggaling sa pagkatalo sa kani-kanilang laban sina McGregor at Pacquiao.

Noong Hulyo ay ginulat ni Jeff Horn ang buong mundo nang talunin ang dating pound for pound king sa pamamagitan ng unanimous decision habang si McGregor ay nakalasap ng technical knockout (TKO) loss mula sa kamao ni undefeated American boxing superstar Floyd Mayweather, Jr.

Samantala, sinabi ni Top Rank na si Bob Arum, na sinisikap nila ngayon na matuloy pa ang remath ni Pacquiao at Jeff Horn sa spring ng 2018 sa Amerika.

May dapat pa aniyang mapatunayn dito si Horn kung talagang tinalo niya ang fighting senator.

Nakatakdang lumaban sa susunod na linggo ang WBO welterweight champion na si Horn upang depensahan ang titulo kontra sa British contender na si Jeff Corcoran.

Kung sino man ang manalo ay haharapin nito si junior welterweight king Terence Crawford.

Tinawag ni Arum na “Last Man Standing” ang plano pagkat kung sino ang mananalo sa nasabing huling laban ay ang makaka-kontrapelo ni Pacquiao para sa WBO welterweight belt.

Magugunitang hindi natuloy ang rematch ni Pacman at ni Horn nitong Nobyembre matapos ihayag ni Pacquiao ang kanyang pagfo-focus muna sa pagiging senador. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply