Mga kurakot na opisyal at miyembro ng PNP, inuubos na

PATULOY na nalalagas ang mga kurakot na opisyal at miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Sa katunayan, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na alisin ang tatlong pulis na may ranggong Superintendent dahil sa pagiging kurakot at tanggalin ang may 60 – 90 tiwaling pulis.

Sa naging talumpati ni Pangulong Duterte sa ika-39 kaarawan ni Sen. Manny Pacquiao sa General Santos City, hindi naman nito binanggit ang pagkakakilanlan ng mga pulis na nais niyang sibakin sa puwesto.

Inamin ng Pangulo na nakadidismaya dahil nakapasok sa PNP ang mga kurakot at mga gangster.

Kaya nga, panahon na upang umpisahan na niya ang paglilinis sa hanay ng police Institution at talagang hihiritan niya aniya ang mga ito.

“I’m just warning itong mga pulis na kurakot o ‘yung mga may — it could be the mayor’s office or it could be — talagang hihiritan ko kayo, babantayan ko kayo,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Bihasa at tila normal na sa mga ito ang nasabing kalokohan katulad ng panghoholdap at iba pang mga iligal gaya ng droga na aniya’y hindi niya hahayaan at talagang aalisin sa serbisyo. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply