Mga terorista, muling aatake – Sec. Andanar

NAGPAPLANO na namang umatake ang ilang teroristang grupo sa iba pang lungsod sa bansa.

Base sa mga intelligence reports na natanggap ng Malakanyang, balak diumanong umatake ng teroristang grupong Daulah Islamiyah sa hindi pa natukoy na lungsod.

Napag-alaman na ang Daulah Islamiya ay konektado sa Maute at Abu Sayyaf groups.

giniit ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar ang kahalagahan ng pagpapalawig ng deklarasyon ng batas-militar sa buong Mindanao, base na rin sa proposal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Aniya, patuloy umanong nagre-recruit ang Daulah Islamiyah group.

Lumalakas na raw ang recruitment activities ng mga ito.

Gayunman, iginiit ni Sec. Andanar na hindi naman daw sapat na rason para higpitan ang seguridad ng bansa batay lamang sa naturang intelligence report. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply