Misis kinatay ng selosong mister

KINATAY ng isang selosong mister ang kanyang misis sa Cebu City kaninang Huwebes ng madaling-araw.

Nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at namatay noon din ang 40-anyos na biktima na hindi pinangalanan.

Hinahanting na ngayon ng pulisya upang panagutin sa krimen ang mister ng biktima na sadyang hindi pinangalanan.

Sa ulat, nadiskubre ang ang bangkay ng biktima na malapit sa bahay nito sa Brgy. Guba.

“Paglabas ko nakita ko mga gamit ni mama. Sa unahan nakita ko na siyang duguan,” kwento ng anak na itinago sa pangalang “Boy”.

Huli umanong kasama ng biktima ang kanyang tatay, na kasalukuyang hindi mahagilap at itinuturing na person of interest ng pulisya.

Natagpuan malapit sa bangkay ang isang duguan na damit na ayon sa anak ay pagmamay-ari ng kanyang ama.

Ayon kay SPO1 Winston Ybañez, imbestigador ng Cebu City Police Office, isa sa mga tinitingnang motibo sa pananaksak ay selos dahil madalas umanong nagtatalo ang mag-asawa hinggil sa pagkakaroon nito ng ibang karelasyon na itinanggi naman nito. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply