Mitsubishi Montero sumalpok sa ukay-ukay sa Pasig

SUMALPOK ang isang kulay grey na Mitsubishi Montero sa ukay-ukay store sa Lifehomes, Pasig City matapos umanong mawalan ng preno.

Sa pahayag ni Nelson Cheng, driver ng SUV na may plakang NL 7113, nagpa-park lang siya ng kanyang sasakyan sa may LG Plaza dahil kakain sya sa isang fast food chain na malapit sa ukay-ukay store nang biglang humarurot ang kanyang minanehong Montero.

Swerte namang hindi tinamaan ang ilang namimili sa tindahan sa aksidenteng nangyari pasado alas-4:30 ng hapon.

Hindi rin nagtamo ng sugat ang driver ng Montero.

Sinabi na, ito ang unang pagkakataon nangyari sa kanya ang sudden unintended acceleration.

Samantala, sinabi rin ng driver na handa nyang panagutan ang aksidente na nagresulta sa pagkakasira ng salamin ng tindahan. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply