MRT tumirik ulit: 16th technical problem, naitala

MAHIGIT sa 1,000 pasahero ang naperwisyo nang bigla na namang tumirik ang Metro Rail Transit (MRT) Line 3 kaninang umaga.

Ayon sa MRT-3’s service report, ito na ang pang-16th technical problem ng MRT sa buwang kasalukuyan.

Dahil sa aberya, pinababa ng isang southbound train ang naiiritang mga pasahero sa GMA Kamuning Station dakong 8:18 a.m.

Ayon pa sa ulat, ang technical problem ay sanhi ng isang electrical failure.

Isang train na ang tawag ay skip train, ang ipinadala pasado alas 8:21 a.m. para i-accommodate ang mga pinababang pasahero.

Sa ngayon, mayroon lamang 5 araw sa buwan ng Disyembre na ang MRT ay hindi nagkaaberya at ito ay noong Dec. 1, 4, 5, 11, at 13. BOBBY TICZON

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply