Nagnakaw ng noche buena items, kelot tiklo

HUMANTONG sa kulungan ang ng isang lalaki matapos magnakaw mga noche buena items sa isang grocery store sa Pasay City.

Kabilang sa mga natangay ng suspek na si Manolito Manabat ang lata ng corned beef, palaman, bigas, tocino, 3-in-1 na kape, chocolate at gatas.

Ayon sa manager ng grocery store na si Jay, naka-monitor siya sa kanilang CCTV nang mapansin niyang isinilid ng suspek ang mga produkto sa kanyang bag.

Agad na pinahuli ng manager ang suspek at nang mahabol itoy napaamin naman agad.

Paliwanag ng suspek, nagawa niya lang na magnakaw para may pampakain siya sa kanyang mga anak.

Samantala, lumalabas naman sa imbestigasyon ng mga pulis na may record na ng shoplifting ang suspek at kalalaya lang din nito noong nakaraang linggo. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply