Nagpapahaging na nang kasalan!

FANS nina James Reid at Nadine Lustre, huwag n’yong ubusin ang matatanggap n’yong pera ngayong Pasko. Magtabi kayo para sa Valentine concert ng idolo n’yo: ang “Revolution: The Jadine Concert.”

Sa February 9 ito nakatakda sa Smart Araneta Coliseum. Pangalawang concert nila ito as sweethearts. Naaalala n’yo pa bang pagkatapos ng first joint concert nila nung 2016 na “Jadine in Love” nila inamin na in love talaga sila sa isa’t isa sa tunay na buhay.

Ano naman kaya ang aaminin nila pagkatapos ng “Revolution”?

Huwag naman sanang pagpapakasal. Masyadong bata pa rin sila para magpakasal, kahit na hindi na sila minors.

For ticket reservations and inquiries, call Viva Live at 687 7236.

* * *

Speaking of being in love, nag-post si Senator Francis “Kiko” Pangilinan ng napaka-romantic na picture nila ni Sharon Cuneta para pabulaanan ang bali-balitang matagal nang lihim na hiwalay na sila.

Gayunpaman, hindi nag-comment ang magiting na mambabatas kung totoo o hindi na sa farm house na nila siya umuuwi at si Sharon naman ay sa bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna. Hindi rin siya nag-comment kung totoo o hindi ang giit sa mga ulat na halos hindi na nagkikita ang mag-asawa dahil hiwalay sila ng inuuwiang bahay.

Ah, basta, in love pa rin sila sa isa’t isa! Sa litratong ipinaskil ni Senator Pangilinan, magkayakap sila ng megastar sa isang couch (sofa).

Samantala, showing pa rin sa mga sinehan ang “Unexpectedly Yours” na balik-loveteam movie nina Sharon at Robin Padilla, na nagtatampok din kina Julia Barretto at Josh Garcia.

* * *

Season of love din naman talaga ang Kapaskuhan. Kaya, heto si Luis Manzano na umaamin na somehow ay nagpapahiging na rin sila ni Jessy Mendiola sa isa’t isa tungkol sa pagpapakasal.

Luis admitted that Anne Curtis’recent wedding inspired him about planning his big day even though he has not yet popped the big question to Jessy.

“Anne’s wedding gave us a good idea of what we want kung saka-sakali mang dumating yung araw ng wedding namin. We spoke about it. Baka. It might be a destination wedding,” he shared in a press interview.

Ang ibig n’yang sabihin sa “destination wedding” ay yung pagpapakasal sa isang malayong lugar na kailangan ng mahabang pagbibiyahe at pagsapit sa destinasyon.

Naipagtapat ni Luis na talagang nag-enjoy sila ni Jessy sa maikling bakasyon nila sa New Zealand last month.

“I loved the tranquility. Sobra sobra yung serenity. Extremes ang New Zealand, eh. You have how quiet the mountains are and everything, at the same time you have your bungee and skydiving. Kami ni Jessy, nakapag-skydive kami. Yun yung na-enjoy ko yung extremes,” paggunita n’ya.

Samantala, balak ni Luis na marami pa silang mapuntahan ni Jessy.

“We want to travel to a lot of places sa Philippines muna. Like Dumaguete for diving. Ang dami naming gustong puntahan. Kahit nga Davao for diving. But in other places naman, there’s Tuscany, Maldives, Palau. I’ve never been there so it’s going to be a first for us.”

Alam nga pala ng nag-iisang anak nina Vilma Santos at Edu Manzano na maraming di natutuwang netizen kay Jessy. May mga nayayabangan kasi sa estilo ng pagsusulat ni Jessy sa postings n’ya sa Instagram. Meron ding hanggang ngayon ay iginigiit pa rin na nung
magsimula siyang makipag-date kay Luis, hindi pa sila lubusang nagbi-break ni JM de Guzman.

Gustong-gusto ni Luis si Jessy dahil alam daw n’yang “simple and sincere” na tao si Jessy, kaya’t ikinu-consider n’ya itong posibleng maging misis n’ya.

* * * *

Kumusta na nga pala si JM? Certified rehabilitated na pala siya from being a drug dependent.

Mga isang taon na siyang clean living, ‘ika nga. At tinanggap na siyang muli ng Star Magic para i-manage. May tinanggap na ngang major indie film project ang Star Magic para sa kanya.

Sana ay tuluy-tuloy na ang pagbabago ni JM na walang kaduda-dudang napakahusay na artista. Pwedeng-pwede naman talagang magbago ang tao– lalo na kung kinikilala n’ya na ang Diyos ay nasa kanyang kalooban. SHOWBYTES/DANNY VIBAS

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply