Nawindang sa mga mapangahas na eksena!

GRABE ang love scene nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado para sa filmfest movie nila na “All of You’ na prodyus ng Quantum films, MJM Productions, Globe Studios at Planet Media Productions.

Natawa na lang si Derek nang tanungin kung ibinalibag ba niya sa kama si Jen.

Mas mapangahas at mas mature ang pagbabalik sa big screen ng winning tandem nina Jen at Derek. Ito raw ang pinakaromantikong pelikula sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Kumusta ang pagbabalik-tambalan nila pagkatapos ng tatlong taon?

”Okey naman po. Medyo sa umpisa may konting ano kami..uncomportable with each other. Kasi sa English Only Please, nagpapatawa, nagpapa-cute lang kami run. But in this one, parang lumevel-up ng sampung beses yung mga eksena na ginagawa namin. Especially sa mga intimate scenes namin, medyo we we’re kind of uncomfortable with each other for a while, pero after that, wala na,” pakli ni Derek.

“Tama naman po, kasi medyo matagal din kaming hindi nagkita. So, nu’ng nagkita kami ulit, nagkatrabaho kami ulit, this time iba naman ‘yung atake na kailangan namin.

“Kasi nung una (English Only Please!), para lang kaming naglalaro, nagpapatawa, ganyan. Pero ngayon medyo ano na… matitindi ‘yung mga eksena, ang daming lovescenes. So hindi ako ready. Pero in fairness naman kay Derek, napakaingat niya po (sa intimate scenes), saka napaka-gentleman. Pagdating sa mga ganitong klaseng eksena, talagang pinoprotektuhan niya ako,” sey naman ni Jennylyn.

Kasama nina Jen at Derek sina Solenn Heussaff, Rafael Rosell &Sam Milby. Featuring Yayo Aguila, Hannah Ledesma, Nico Antonio, Kean Cipriano, Enzo Marcos, Via Antonio atbp. Ito ay sa direksyon ni Dan Villegas.

Sa TV naman, wala pa raw bagong serye si Jen sa GMA 7. Baka raw next year na.

Tinanong din namin kung willing na ba siyang maka-partner si Alden Richards dahil naudlot ‘yung pinagsamahan nilang “My Love From The Star.”

“Bakit hindi? Ako naman, wala namang isyu sa akin, eh. Kung ano ang ibigay ng management, ng GMA, eh tatanggapin ko. Never naman akong namili o tumanggi. Kung ano ‘yun, tatanggapin ko, trabaho ‘yun, e blessings,” pakli niya.

Balita rin na gagawa ng microfilm sina Jennylyn at JM De Guzman na ire-release ng online. Anong reaksyon niya sa pagka-comeback ni JM?

“Alam niyo sa totoo lang, masaya ako na nakabalik na si JM. Isa siya sa pinakamagaling na actor para sa akin. Happy ako na okey na siya.
Nandito lang kami para suportahan siya.

“Kahit na ‘yung shoot na ginawa namin na ang simple, masasabi ko na isa siya sa pinakamagaling,” pakli ni Jen.

Tsuk!

-0o0-

Hindi naman niya minasama ang mensahe ni Kris Aquino sa rumored girlfriend niyang si Kim Chiu.

Nag-wish kasi si Kris na makatagpo si Kim ng true and lasting love na parang may pinagdadanan sina Xian at Kim.

Hindi minasama ni Xian ang mensahe ni Kris dahil magkaibigan daw talaga ‘yung dalawa. Everytime na nagkikita raw ang dalawa ay ini-express nito ang pagmamahal, pagmamalasakit… ‘yung genuine care at affection kay Kim.

Naniniwala siya na harmless comment at harmless gesture ang ginawa ni Kris kay Kim.

Alam daw niya na malinis ‘yung intension ni Kris.

Tsuk!

-0o0-

Nakaaantig ang kwento sa Dear Uge ngayong Linggo (December 3) at mas dapat itong abangan dahil ang Pambansang Bae ang bibida sa episode na ito. Gaganap si Alden Richards bilang Brian, isang mayamang binata na pangarap maging filmmaker. Lumaki siyang malapit sa yaya niyang si Manang Lagring, na gagampanan naman ni Odette Khan.

Panoorin kung paano susukatin ang pagmamahal ng isang kasambahay sa kanyang alaga ngayong Linggo sa Dear Uge pagkatapos. XPOSED/ROLDAN CASTRO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply