Nilait dahil sa katabaan!

PAGKALIPAS nang ilang taon na pagsasama ay saka pa lang nagpakasal sina Wendel Ramos at Kukai Guevarra.

May mga nagsasabing mas matibay ang ganu’ng klaseng pagpapakasal dahil pinatibay na nga ng taon ang relasyon.

Posibleng ganu’n din ang mangyari sa relasyon nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na nakatakda nang magkaroon ng pangalawang anak kahit di pa sila kasal.

Masasabing nagbago na nga ang kulturang Pinoy dahil parang hindi na itinuturing na kahihiyan at eskandalo ang pagsasama na hindi muna dumaan sa kasal.

At para ngang mas tumatagal ang pagsasamang di-nakasalig at nakakandado sa kasal.

Wala naman balitang nagli-live in na sina Iza Calzado at ang British boyfriend n’yang si Ben Wintle, pero just the same ay ipinagpaliban ni Iza ang napabalitang balak nilang pagpapakasal ngayong 2017.

“We’re have not made enough preparations for a wedding. We really need a whole year to get ready,” Iza revealed in a press interview.

Inamin din n’yang gusto muna n’yang makagawa ng isang teleserye. May alok din daw sa kanya na isang pelikula na gustong gawin next year.

Lagpas na ng 30 years old si Iza pero okey lang na di siya magmadaling magpakasal.

Late marriage naman talaga ang kalakaran sa pagpapakasal ng mga babaeng napayabong at napaka-profitable ng career.

Marami rin ngang nakikipag-live in na lang muna o nakikipag-sleep over sa boyfriend nila every now and then.

Para di sila magkaanak, eksperto sila sa pagpi-pills o paggamit ng kung ano pa mang birth control method.

* * *
Si Sarah Lahbati naman ay bina-bash hindi dahil sa pagbubuntis n’ya for the second time kay Richard Gutierrez nang di pa kasal.

Bina-bash siya dahil sa bigla n’yang pagtaba.

Bina-bash siya ng mga netizen na parang di nakakaalam na buntis siya.

In fact, by now six months na siyang buntis

Pero matapang pala ang live-in girlfriend ni Richard.

Tinarayan n’ya rin ang mga nagtataray sa kanya, lalo na yung mga babae ring gaya n’ya.

“Ang taba mo (you are fat) and “Ang laki mo!” taray sa kanya ng ilang netizens.

“Did you forget that I am carrying a child?!” taray naman ni Sarah sa kanila.

The actress also pointed out that she is not the only one who has experienced body-shaming, even from fellow women:

“What happened to women supporting each other? Praising each other as mothers?

“Why can’t we accept that our bodies are made to change during pregnancy because there is a growing baby inside?!

Respect pregnant women and think before you judge or open your mouth,” pahayag ni appealed via her Twitter page.  SHOWBYTES /DANNY VIBAS

 

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply