OKC wagi vs Jazz, Westbrook triple-double

DINISPATSA sa pamamagitan ng triple-double performance ni Oklahoma City Thunder star point guard Russell Westbrook ang Utah Jazz, sa iskor na 100-94.

Nakabangon ang Thunder mula sa 17 points deficit sa second half para itala ang kanilang ika-11 panalo mula sa 12 talo.

Kumayod nang husto si Westbrook sa pamamagitan ng kanyang 34 points, 14 assists at 13 rebounds.

Tumulong din si Paul George na may 21 points at Carmelo Anthony na nagdagdag ng 14 points para sa kanilang ikatlong sunod-sunod na panalo.

Sa panig ng Jazz, namayagpag naman ang rookie na si Donovan Mitchell na tumipon ng 31 points.

Bago ang nasabing laro, hawak ng Jazz ang anim na sunod na panalo at average na 106 points per game.

Ang next game ng Thunder ay laban sa Brooklyn Nets sa Biyernes. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply