Olats sa sugal, trike driver nanaksak

TIMBOG ang isang tricycle driver matapos saksakin ang kanyang kabaro na nakaalitan nito kagabi sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang suspek na si Christopher Saturnino, 41, taga-Tondo.

Nauna rito, kasama ng suspek ang biktimang si Ramsey Rojo at mga kaibigan na nagsusugal sa Juan Luna St., Tondo.

Napag-alamang habang nagsusugal ang dalawa ay nagkatinginan sila nang masama dahilan upang mag-away.

Nagbanta rin umano ang suspek sa biktima bago ito saksakin ng screwdriver.

Ayon naman sa suspek, ang biktima ang unang namukpok sa kanyang ulo kaya siya nagalit.

Anim na saksak ang ibinaon ng suspek sa katawan ng biktima habang malalaking bukol ang natamo ng suspek.

Mahaharap sa kasong frustrated homicide si Saturnino. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply