P1M halaga ng musical instruments na ipinadala ng isang OFW, nawawala

HUMIHINGI ng tulong sa Parañaque City Police ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na kakauwi lang ng bansa matapos hindi makarating ang ipinadala niyang package ng musical instruments na nagkakahalaga ng humigit kumulang P1 milyon.

Sinabi ni Mel Guevarra, habang nasa Saudi siya noong taong 2014, nagpadala siya ng musical instruments para sa kanyang anak dito sa Pilipinas.

Kasama sa package ang isang vintage guitar na ginamit pa ng bandang Beatles, drums at amplifier.

Makaraan ang tatlong taon, nabatid ni Gueverra na hindi pa pala nakakarating ang kanyang ipinadala at wala ring maipakitang kahit na ano ang cargo company kahit pa kumpleto sa resibo ang complainant.

Sa katunayan, hinamon pa nga sila ng cargo company na magsampa ng kaso.

Posibleng maharap sa kasong estafa ang naturang kompanya habang hinihintay pa ng Parañaque Police ang tugon nito. JOHNNY ARASGA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply