PAALALA!

PINAALALAHANAN ni Mayor John Rey Tiangco ang mga Navoteño na gamitin ang mga itinalagang lugar para sa fireworks display upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Nagkaroonng Navotas ng mga firecrackers and fireworks zone sa bisa ng Executive Order 012 series of 2015.

Ang fireworks at iba pang pyrotechnic exhibitions ay maaari lamang idaos sa Navotas City Amphitheater, C4 Road, Brgy. Bagumbayan North at kinakailangang nakaayon ito sa RA No. 9514 o ang ‘Revised Fire Code of the Philippines of 2008.’

Ang 14 na barangay sa lungsod ay nagtalaga rin ng kani-kanilang mga firecrackers zone.

Sa Brgy. San Rafael Village nakatalaga ang Gen. Vicente Lim St.; sa Brgy. North Bay Blvd. North naman ay Green Zone sa R-10 Road at J. Lacson St.; samantalang sa Brgy. North Bay Blvd. South napili ang R-10 Proper at Kanduli St. bilang firecracker zone.

Ginagamit ng Brgy. Bangkulasi ang Reyes St.; sa Brgy. Bagumbayan South ay ang Taganahan Tabing Ilog; at sa Brgy. Bagumbayan North naman ang Centennial Park.

Ang dulo ng Estrella Bridge ang itinalagang lokasyon sa Brgy. Navotas East; nariyan ang Davila St. sa Brgy. Navotas West; at ang Gov. A. Pascual at A. Santiago Sts. sa Brgy. Sipac-Almacen.

Pinili ng mga barangay sa District 2 bilang mga firecrackers zone ang Navigational Gate sa Brgy. Tanza; Bagong Kalsada and A. Cruz Sts. sa Brgy. Tangos; Judge A. Roldan St. sa Brgy. San Roque; Ignacio St., Bacog sa Brgy. Daanghari; at Gov. A. Pascual St. sa Brgy. San Jose. -30-

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply