PAG-IBIG FUND VS UNREGISTERED AND DELINQUENT EMPLOYERS

NAG-ABISO ang Pag-IBIG Fund o kilala rin sa tawag na Home Development Mutual Fund (HDMF) sa mga kumpanyang lumalabag sa Republic Act No. 9679 or the “Home Development Mutual Fund Law of 2009” sa pamamagitan ng hindi pagrerehistro at pahuhulog ng
kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

“Sa ilalim ng R.A. 9679, ang pagiging miyembro ng Pag-IBIG ay isang kautusan at maaring magmulta ng higit pa sa dobleng halaga ng perang hindi inihulog, hindi lalagpas sa anim na taong pagkakakulong, o parehong multa at pagkakakulong. Ngunit higit sa mga multa o parusa, mas iniisip ng Fund ang kapakanan ng mga empleyadong pinagkakaitan ng benipisyo. Madalas na pagtuunan ng pansin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pangangailangnag matulungan ang mga manggagawang Pilipino na masiguro ang kanilang hinarap sa pamamagitan ng pagtamasa ng mga benipisyo ng gobeyerno,” pahayag ni Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Chairperson Eduardo D. del Rosario.

“Lumikha kami ng paraan upang matulungan ang mga kumpanyang maisaayos ang kanilang mga obligasyon sa pamamagitan ng aming programang Penalty Condonation, kung saan ang mga kumpanya ay maaring magparehistro o ayusin ang kanilang mga atraso sa Fund na
walang anumang multa,” pagdidiin ni Pag-IBIG Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti.

Oportunidad ang programang penalty condonation para sa mga hindi rehistrado o hindi sumusunod na mga kumpanya na magparehistro at punan ang mga kakulangan sa kanilang employees’ membership savings, kasama ang kanilang bahagi sa kontribusyon ng kanilang mga empleyado. Samantala, hindi sakop ng programa ang mga kumpanyang bumabawas sa sahod ng empleyado ngunit hindi inihuhulog sa Fund.

Ang full penalty condonation ay ipagkakaloob sa lahat ng karapat-dapat o eligible na kumpanya.

Kinakailangan lamang na ayusin ang kanilang bahagi sa membership saving, pati na rin ang deprived dividends. Ang mga ito ay maaring bayaran sa loob ng dalawang taon, na mayroong tubo na P0.50 kada buwan.

Sa kasalukuyan, 231 kumpanya ang nahaharap sa mga kaso dahil sa hindi pagsunod sa R.A. 9679. Ilan sa mga dahilan ay ang; hindi pagpaparehistro, hindi pagrerehistro ng lahat ng empleyado, hindi paghuhulog ng tamang halaga o hindi paghuhulog ng halagang ibinawas sa mga empleyado.

“Ang mga korporasyon ay obligadong sumunod sa sinasabi ng batas, at iyon ay iparehistro ang kanilang mga empleyado bilang miyembro g Pag-IBIG Fund, at ihulog ang kanilang bahagi at kontribusyon ng kanilang mga empleyado. Kung hindi ito sundin, ang lokal na pamahalaan ay hindi magkaloob ng business permit. At maari rin abisuhan ang National Bureau of Investigation o police sa bagay na ito,” paalala ni Moti. HILDA ONG

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply