Pagbabalik-laro ni Tiger Woods, inaabangan

KINASASABIKAN ng iba’t-ibang mga golf player ang muling paglalaro ni Tiger Woods.

Ito’y matapos ang nakatakdang pagsali niya sa Hero World Challenge sa Nassau, Bahamas sa Sabado.

Makakaharap nito ang 17 mga professional golf players ng mundo.

Ayon kay Patrick Reed, kayang-kaya pa rin ni Woods na talunin sila physically at mentally.

Hindi pa rin kumukupas ang pagpuri naman ng 24-anyos at world number 3 na si Justin Thomas dahil tiyak na gugulatin ni Woods ang mga manonood ng torneyo.

Sa panig naman ni world’s ranked no. 1 Dustin Johnson, na hindi pa rin nagbabago ang bilis at lakas ni Woods kaya tiyak ang kanyang tagumpay.

Nauna rito, kaya naisipan ng 41-anyos na American professional golfer na bumalik para sa kanyang anak na nais siyang mapanood dahil noong kabataan pa nila ay hindi siya napapanood nito. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply