PAGLILINAW TUNGKOL SA LISENSIYA NI DOCTOR

MAY ibang hindi nalilinawan sa isyu na ‘to, kaya hayaan n’yo po na ipaliwanag ko rito.

Hindi po totoo na natanggalan ng lisensya si Mr. Virgilio Doctor, taxi driver sa viral video na roon tila nag-road rage ang isang dalaga at kinompronta si Doctor.

Ang totoo, nag-isyu ng subpoena ang Land Transportation Office at ni-require si Mang Virgilio na magpa-medical exam.

Ayon sa media reports, nagka-stroke na siya noon.

Nag-comply lamang si Doctor sa subpoena at wala pang desisyon ukol dito base sa Republic Act 4136 na binibigyan ng kapangyarihan ang LTO upang gawin ito.

Ngunit hindi nangangahulugan na tanggal na ang professional license ni Doctor.

May hindi nakaiintindi na nagsasabing dahil ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang mga abogado ni Doctor kaya na-issue ang subpoena for medical examination.

Mismong si Ginoong Doctor ay pumayag sa medical exam dahil wala siyang duda na mapananatili ng LTO ang professional license nya.

Dahil mild stroke lang naman ang nangyari sa kanya noong 2014 at pagkatapos ng kanyang pagpapahinga ng 3 months ay pinayagan na siyang mamasada ng kanyang manggagamot.

In fact noong 2015, na-renew ang pro-license niya at pumasa na siya sa medical exam ng LTO noong taon na ‘yun.

Hindi siya nasangkot sa anomang aksidente at wala siyang major traffic violation.

Wala ring pasahero ang nagreklamo sa kanyang pamamasada since nag-drive siya ulit.

Ito ay isang paglilinaw sa isang komentaryo ng isang radio broadcaster na nagsabi na nagkamali raw ng pagkuha ng abogado si Doctor.

Nais po namin itong linawin na LTO subpoena ang pinagbasehan ng report at hindi dahil sa kakulangan ng abogado ni Mang Virgilio. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply