Paglilipat sa Maute brothers hindi dumaan sa raffle sa SC

NAKUMPIRMA sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Justice na hindi nagkaroon ng raffle sa Supreme Court kaugnay sa kahilingan ng Department of Justice na ilipat sa Taguig ang pagdinig sa kaso ng Maute brothers.

Inamin ni Clerk of Court Atty. Felipa Anama na hindi nagkaroon ng raffle sa usaping ito at mismong si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ang nag-assume sa usapin.

Sa pagtatanong ni SAGIP Rep. Rodante Marcoleta, inamin ni Anama na dahil sa urgent ang Maute case ay pasok din sa hurisdiksyon ng chief justice kahit walang raffle.

Paliwanag pa ni Anama na kasama sa agenda ang Maute case noong June 19 ngunit hindi ito ini-raffle dahil personal na itong kinuha ni Sereno at nailabas sa publiko noong July.

Ang kahilingan ng DOJ na ilipat sa Taguig ang pagdinig sa kaso ng Maute brothers ay hindi napagbigyan ng Korte Suprema sa halip ay dinala ito sa Cagayan de Oro City na dalawang oras lamang ang biyahe mula sa Marawi City.

Nauna nang sinabihan ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali si Anama na huwag mamilosopo sa pagsagot sa mga pagtatanong ng mga kongresista. MELIZA MALUNTAG

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply