Pagpapalawig ng batas-militar, pinag-aaralan pa ni Digong

MASUSING binubusisi at pinag-aaralan ngayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP) ay Philippine National Police (PNP) hinggil sa pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.

Ani Presidential spokesperson Harry Roque, natanggap na ng Office of the President (OP) ang naturang dokumento.

“The President is studying the recommendations and he is assessing the need for further extending martial law in Mindanao,” ayon kay Sec. Roque.

Pangunahing konsiderasyon aniya ni Pangulong Duterte sa pagpapasya ang seguridad ng mga mamamayan lalo ang mga taga-Mindanao mula sa banta ng terorismo.

“PRRD’s paramount concern is the security of our people especially the Mindanaoans in the face of threats and the use of available means under the law to fight them,” ang pahayag ng Kalihim. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply