Pagpapalit ng Konstitusyon, raratsadahin sa 2018

PUSPUSAN na ang gagawing pagtalakay sa panukalang rebisahin o baguhin ang 1987 Constitution.

Ito’y matapos simulan ng House Commmittee on constitutional Reform ang debate sa plenaryo ukol sa House Concurrent Resolution No. 09 na ayon kay Leyte Rep. Roger Mercado ay tutugon sa pagpapalit ng uri ng gobyerno tungo sa federal form.

Nagsagawa rin ng sponsorship speech si Deputy Speaker Gwendolyn Garcia kung saan hinikayat niya ang mga kasamahan na ayunan ito dahil ang kasalukuyan aniyang saligang batas ay hindi na angkop sa kasalukuyang pamumuhay.

Mismong si House Speaker Pantaleon Alvarez ang nagsabing tatapusin ng Kamara ang pagtalakay sa HCR 09 sa enero ng susunod na taon.

Ang HCR 09 ay pinagsama-samang 29 panukzalang batas at resolusyon na ang panawagan ay baguhin ang kasalukuyang Saligang Batas na binuo pa noong panahon ni dating Pangulong Corazon C. Aquino.

Binigyang-diin ni Mercado na ngayon na ang tamang panahon para maipatupad ang pagpapalit ng porma ng gobyerno mula sa republican tungo sa federal system.

Ang mataas aniyang public trust ratings n I Pangulong Rodrigo Duterte ay matibay na dahilan upang tugunan ang isang ideal government system na sinusuportahan ng pangulo.

“We have conducted nine hearings here (House of Representatives) and four public consultations nationwide which showed that there is a need to amend or revise the 1987 Constitution,” ani Mercado. MELIZA MALUNTAG

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply