Palasyo rumesbak kay De Lima

NIRESBAKAN ng Malakanyang ang nakapiit na si Senador Leila de Lima nang igiit nitong kailangan nang magsagawa ng Senate probe sa 8888 Citizen’s Complaint Hotline na inilunsad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Maybe because she hasn’t tried it because she shouldn’t have a telephone in her detention facility,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Ang 8888 hotline ay naglalayon bilang mekanismo kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay maaaring mag-report ng kanilang reklamo at hinaing na may kinalaman sa red tape at korapsyon sa national government agencies, government-owned or –controlled corporations (GOCCs), government financial institutions (GCI), at iba pang tanggapan.

Kahapon ay naghain ng resolusyon ang senadora na humihiling na imbestigahan ang hotline na 8888 ni Pangulong Duterte dahil sa pagkabigo nito na makatanggap ng 1.4 million calls sa unang ilang buwan matapos ilunsad nito.

“Every peso of Filipino taxpayers’ money must be spent on programs and government services that actually work and are responsive to their needs, and not on programs launched merely to cosmetically or superficially fulfill campaign promises,” ayon sa senadora.

Binigyang-diin ni Sec. Roque na maganda at positibo ang naging progreso ng hotline 8888 dahil nawalis nito ang mga corrupt officials.

“Ano bang gusto ‘nyo pa, no? Nakita ‘nyo naman na walang tigil ang pagsisibak ni Presidente sa mga taong gobyerno na may alegasyon ng korapsyon. Marami pa po iyan kasi ang Presidente sinsero sa kanyang krusada laban sa korapsyon. Hindi po matitigil ang paninibak na iyan. Ang mensahe nga naming sa taong gobyerno: Mag-pribadong sektor na lamang kayo kung gusto nyo yumaman,” lahad ni Sec. Roque. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply