Pang. Digong, humirit pa ng 1 taon para puksain ang droga

HUMIRIT ng isa pang panibagong taon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para tapusin nito ang kanyang laban sa illegal na droga.

“Wala akong pakialam basta sabi ko sa droga, I hope to finish the problem maybe give me just another year,” ayon kay Pangulong Duterte sa idinaos na Mass Oath Taking of Presidential Appointees sa Heroes Hall, Malakanyang.

Binigyang-diin nito na “Babalik ang pulis, babalik ‘yan,” na ang tinukoy ay ang muling pag-atas sa Philippine National Police (PNP) na alalayan ang Philippine Drug Enforcement Agency war on drugs ng gobyerno.

Kamakalawa ay sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa PNP na i-resume na ang operasyon nito laban sa ipinagbabawal na gamot habang nananatili namang lead agency ang PDEA.

Sa kabilang dako, opisyal nang bahagi ng pamahalaan Duterte ang jueteng scam whistle blower na si Sandra Cam matapos siyang italaga ni Pangulong Duterte bilang bagong miyembro ng board of directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Bukod kay Cam, itinalaga rin ng pangulo si Bong Suntay bilang isa sa mga kasapi sa board of directors ng PCSO.

Ang dalawa ay kabilang lamang sa mga bagong appointees ni Pangulong Duterte na manunumpa ngayong araw sa Malacañang.

Manunumpa rin sa kanyang puwesto bilang Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary si dating Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Bukod sa mga bagong appointee, manunumpa rin ngayon sa harap ng pangulo ang mga bagong halal na opisyal ng Malacañang Press Corps. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply