Pang. Digong, tuloy sa pagtupad ng mga pangako

HINDI tumitigil si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagtupad sa kanyang pangako na lilinisin niya ang hanay ng mga corrupt na opisyal ng gobyerno.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar na nakatutok ang pangulo sa kanyang mga pangako noong eleksyon kabilang ang corruption at illegal drugs.

Tiniyak ni Sec. Andanar na kung sakaling may mangyayaring pagtatanggal sa mga suspendidong commissioners ng Energy Regulatory Commission (ERC) ay tiyak naman na agad itong papalitan ng pangulo.

Binigyang-diin ng Kalihim na hindi natitinag si Pangulong Duterte sa pagsasakatuparan ng kanyang mga pangako kahit na batikusin pa ito ng kanyang mga kritiko.

Ipinaalala rin nito na maliban sa illegal drugs at corruption, tinututukan din ng Pangulo ang pagpapababa sa bilang ng mga mahihirap bago matapos ang kanyang termino. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply