Pasabog ni Sandra Cam vs PCSO, ‘di palalagpasin ni Digong

HINDI palalagpasin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kontrobersiyang pinasabog ni PCSO Board Member Sandra Cam na diumano’y P10-milyon ang ginastos ng PCSO sa katatapos lang na Christmas Party sa isang five-star hotel sa Mandaluyong.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, suportado nito ang nakakasang imbestigasyon ng Kongreso sa STL at kanilang hihintayin ang resulta nito.

Ang paratang ni Cam ay ang magarbong Christmas party ng PCSO at sa STL operations.

Handa naman si PCSO GM Alexander Balutan na humarap sa Senado sakaling ipatawag para ibigay ang panig sa imbestigasyon ng Kongreso.

Ani Cam, tumugon na si Sen. Panfilo Lacson sa kanyang kahilingan na isailalim sa imbestigasyon ang PCSO. Si Lacson ang chairman ng senate committee on games and amusement.

Ang naturang isyu ang pinag-ugatan ng tumitindi pang away sa pagitan nina Cam at PCSO General Manager Alexander Balutan.

Sa patuloy na ‘word war’ sa pagitan nina Cam at Balutan, nagbanta pa si Cam na maglalabas ng iba pang mga anomalya sa PCSO.

“Sino ngayon ang walang bayag sa atin? Kapag tayo ay nagkaharapan malalalag ka sa akin sa upuan,” ani Cam kay Balutan.

Hindi na aniya dapat idamay pa ni Balutan sa kanilang away ang negosyante si Charlie ‘Atong’ Ang.

Sabi pa nito, hindi naman niya itatangging kaibigan niya talaga si Ang simula pa noong panahon ni dating pangulong Estrada.

Bagaman totoong sinamahan niya umano dati si Ang sa PCSO, ito ay walang kaugnayan sa sinasabing kagustuhan ni Ang na makapag-operate ng STL.

Ani Cam, si Sec. Bong Go mismo ang nag-utos sa kanya na samahan niya si Ang sa PCSO dahil baka makatulong ito sa problema sa misdeclaration sa kita ng mga STL operator.

“Si Atong Ang, pinasamahan sa akin ni Sec. Bong Go upon the instruction of the president kasi baka makatulong daw si Atong Ang sa problema sa misdeclaration sa PCSO. Ang sabi ni Atong Ang sa dalawang general, I am only here to help you, not to apply to be an STL operator,” dagdag pa ni Cam. KRIS JOSE

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply