Pasanin ng taumbayan, pagagaanin ng Duterte admin

TULOY-TULOY ang pagsasakatuparan ng Duterte administration ng mga serbisyong makakatulong at magpapagaan sa mga pasanin ng taumbayan.

Sinabi ni Presidential Assistant on Economic Affairs RJ Jacinto na sisimulan na ang rollout ng 3,000 service location na tinawag na Zip Lane 2018 para sa internet connectivity at payagan ang mga online application at printing ng clearances at dokumento lalo na sa mga malalayong lugar.

Ayon kay Jacinto, asahan nang makatitipid sa gastos at oras ang publiko sa pagkuha ng ilang dokumento sa mga concerned government offices partikular ang mga walang internet connection at malalayo sa mga tanggapan ng gobyerno.

Inihayag ni Jacinto na ang 1,000 Philpost branches ang unang mabibigyan ng zip lane para magsilbing online center sa application at processing ng mga government agency clearances na kailangan ng mga mamamayan.

Inaasahang aabot lamang ng 10 – 15 minuto ang process at release ng NBI clearance habang ang mga passport at driver’s license naman na hindi agad mapo-proseso ay ipapadala sa pamamagitan ng Philpost.

Target para sa susunod na taon ang 1,000 Philpost, 1,000 sa Comelec centers, 700 sa public school at 300 naman na LTO offices. Maliban sa oras at gastos, maiiwasan na din ang inconvenience tulad ng pagtayo sa mahabang pila habang naaarawan o nauulanan. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply