Patrol car vs trak, 3 pulis dedo, 3 pa sugatan

TATLONG pulis ang namatay habang tatlo naman ang nasugtaan nang sinuwag ng kanilang patrol car ang isang 10-wheeler truck sa bayan ng Iguig, Cagayan nitong Biyernes ng gabi.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang mga namatay na nakilalang sina PO1 Benjie Kate Pursen, driver, PO1 Basiad at PO1 Galario na pawang mga taga-lalawigan ng Apayao.

Sugatan naman ang iba pang pulis na nakilalang sina PO1 Charlo Kiat-ong, PO1 Junrie Balong-angay at PO1 Venie Balangue.

Hindi naman nabanggit sa ulat, kung nahuli ang drayber ng trak o nakatakas at ngayon at tinutugis na.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Anthony Pamittan ng PNP Iguig na pabalik na ng presinto ang mga pulis nang mag-overtake ang kanilang patrol car sa isang kotse na nasa kanilang harapan.

Hindi marahil nakita ni Pursen ang naturang trak na patungong Tuguegarao kaya huli na bago pa niya maiiwas ang kanilang patrol car.

Nabatid na nanggaling ang mga pulis sa Tuguegarao matapos ipa- CT scan sa isang opsital ang isa nilang kasamahang pulis. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply