Petron, may bawas-presyo sa LPG

NAGBAWAS ng P0.40 sa kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang Petron simula ngayong Biyernes, December 1.

Sa anunsyo ng Petron, kabilang sa mababawasan ng presyo ay ang kanilang Gasul at Fiesta gas.

Samantala, may bawas rin na P0.20 sentimos sa kada litro ng Auto LPG.

Naging epektibo ang rollback, kaninang alas-12:00 ng madaling-araw.

Paliwanag ng Petron, magkakaroon ng bahagyang paggalaw sa presyo ng international contract price ng LPG para sa buwan ng Disyembre.

Dahil sa rollback, inaasahang mababawasan ng kabuuang P4.40 ang bawat 11-kilogram na tangke ng ng LPG ng Petron. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply