Pia, bagong Chichay

ISANG katuparan para sa dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach na magbida sa pelikula. Kasama si Vice Ganda at Daniel Padilla, sila ang bumubuo ng Revenger Squad sa pelikulang handog ng Star Cinema.

Ayon kay Pia, parang nag-uumpisa muli siya sa pag-arte kumpara noong nagsisimula pa lang siyang nag-aartista at naging Star Magic artist.

“Malaki ang pinagkaiba. Noon naman hindi ako nabigyan ng ganitong kalaking role. Saka bata pa ako noon. Teenager pa ako noon. Tapos, ang dami-dami ko nang pinagdaanan. Nag-culinary ako tapos sumali ako sa Bb. Pilipinas ng tatlong beses. Tapos, may one year ako sa Ms. Universe. Ang tagal ko na rin sa pageant, mga five years na. So, ibang-iba siya dahil I have to start again from scratch. Na parang nag-uumpisa akong muli na I don’t consider myself na dahil may acting experience na ako noon, puwede ko nang i-apply dito. Iba iyong noon, at iba rin ngayon dahil malaki na ako, matanda na ako at ibang klase na ang role ko,” sey niya. “One character lang siya pero kailangan kong i-sustain for the whole duration na nag-shoot kami. Bago siyang challenge, bago siyang role. So, after Miss Universe, ito na ang naging challenge ko,” dugtong niya.

Dagdag pa niya, naniniwala rin siyang mas swak siya sa comedy kesa sa drama.

“Marami na akong ginagawang comedy noon. Nag-sit com din ako. I had Bora with Papa P. Mas madalas na mapunta ako sa comedy kesa drama. Gusto ko lang ng masaya. Madali lang siya sa akin. Feeling ko, natural lang siya sa akin. Kasi, ako naman, I’m a jolly person, so, hindi ko masasabi na totally new siya sa akin,” paliwanag niya.

Inamin din niya na pinangarap din niyang gumanap ng super hero sa pelikula.

“Kahit noong bata pa naman ako, bago pa man ako pumasok sa beauty pageant, naisip ko na gusto ko ring maging superhero, na iyong ma-break o ma-prove mo ang sarili mo na kaya mo ang mga combat scenes, so pinaghandaan ko talaga siya,” hirit niya.

Flattered naman si Pia sa papuri sa kanya ni Vice dahil nakipagsabayan siya sa unkabogable star sa pagpapakuwela sa nasabing pelikula.

Katunayan, inihambing pa nga siya ni Vice bilang bagong Chichay dahil naging isang rebelasyon daw sa pagpapatawa sa MMFF entry na ito.

“Coming from Vice, nakaka-flatter siya. Kahit pa sabihing wala akong timing sa comedy,” ani Pia.

Okey lang daw siyang ihambing kay Chichay kahit hindi pa raw niya naabutan ang mga pelikula ng komedyana na ayon daw sa mga kaibigan niya ay institusyon na sa pagpapatawa.

Hirit pa niya, kung io-offer raw sa kanya ang ibang superhero characters ay wala raw magiging problema.

Papel ni Kweenie ang role ni Pia na tulad nina Vice at Daniel ay may superpowers.

Mula sa Star Cinema at Viva Films at sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal, kasama rin sa cast sina Ejay Falcon, Loisa Andallo, RK Bagatasing, Karla Estrada, Wacky Kiray, MC Calaquian, Lassy Marquez, JJ Quillantang, Michael Flores at Carlo Mendoza.

***
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com. CHIKKA PA MORE/ARCHIE LIAO

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply