Pinay, nasungkit ang Mrs. International 2017 sa Singapore

PATULOY sa paghahakot ng korona ang mga Pilipina sa iba’t ibang beauty pageants.

Sa katatapos lamang na Mrs. International 2017 na ginanap sa Grand Balloon Orchid Country Club sa Singapore, kinoronahan ang Pinay na si Jessica Eribal.

Tinalo ng Pinay ang mahigit sa 50 naggagandahang mga misis mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Bago ang coronation night na ginanap kagabi, nanalo na ang iba pang awards si Eribal sa mga nagdaang preliminary pageant.

Kabilang dito ang paghirang sa kaniya bilang “Most outstanding Contestant of the Year” at sa kanya rin iginawad ang “Best Speech” sa ginanap na preliminary interview.

Noong Miyerkules, December 6, nakuha rin ng Pilipinas ang korona sa Miss Tourism International 2017 na ginanap naman sa Malaysia.

Si Jannie Loudette Alipo-on ang kinoronahan sa nasabing pageant at tinalo nito ang nasa 49 pang mga kandidata. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply