PISTON PANAHON NA PARA TURUAN NG LEKSYON

VERY timing ang pagsasampa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng kaso laban kay George San Mateo ng makakaliwang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) dahil umano sa pambubuyo nito sa mga kasapi nito ng tigil-pasada.

Ito’y matapos na muling magbanta ang PISTON ng panibagong tigil-pasada bukas at sa Martes upang bigyang-diin ang kanilang mariing pagtutol sa jeepney modernization.

Sa panahon pa ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, tinututulan na ng PISTON ang modernization ngunit mahigit isang dekada na ang nakaraan, wala pa ring ginagawang hakbang ang grupo ni San Mateo na ma-upgrade ang kanilang mga jeepney at marami na sa mga ito ay “running coffin” na.

Lumilitaw na sa mahabang panahon ay walang pag-usad ang modernization program dahil sa kanilang pagharang ngunit wala namang ginawa upang maalis ang mga bulok na sasakyan na grabe kung magbuga ng usok na nakasusulasok sa lahat ng makalalanghap.

“Sample, sample” ang sigaw ng mga apektadong tao laban sa mga tutol sa modernization upang sa gayon ay hindi na maperwisyo ang mga pasahero.

Payo natin sa mga awtoridad, bantayan ang mga lugar na may ulat na nanghaharang ng mga pumapasada at ipagharap ng reklamo ang mga ito lalo na kung nanakit na at nanira ng sasakyan sa ayaw makiisa sa kanila.

++++++

Ang sunod-sunod na sablay ni Atty. Larry Gadon sa reklamo niyang impeachment kay Supreme Court Chief Justice Lourdes Sereno ang siyang magiging daan upang tuluyan nang ibasura ng Kamara ang reklamo.

Ito’y matapos na biglang hindi na maalala ni Gadon ang ilang mahahalagang detalye ng kanyang reklamo na taliwas sa kanyang mga unang pahayag na parang siguradong-sigurado siya.

Ang pag-amin ni Gadon na wala siyang “direct personal” knowledge sa kanyang mga akusasyon ang siyang nagpahina ng substance ng kanyang reklamo. Dahil dito, malamang siya pa ang makasuhan ng perjury sa huli.

Lumusot man ito sa Kamara, walang sapat na boto sa Senado para ma-convict si Sereno na mangangailangan ng 16 na boto o 2/3 votes ng 24 na senador.

Sa kasalukuyan, 22 lamang ang mga senador na pwedeng bumoto dahil si Senador de Lima ay nakakulong habang si Cayetano naman ay nagbitiw at ngayo’y siyang Foreign Affairs secretary.

++++++
1 Corinthians 1:41 Always gives thanks to my God for you because of the grace he has given you through Christ Jesus. WATERING HOLE/SAMMY MARTIN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply