Poe umaasang malilinis sa droga ang Bilibid sa pag-upo ni ‘Bato’ sa Bucor

MALAKI ang paniniwala ni Senador Grace Poe na malilinis sa illegal na droga ang National Bilibid Prison (NBP) sakaling matuloy ang pagtatalaga kay PNP Chief Ronaldo Dela Rosa bilang bagong hepe ng Bureau of Corrections (Bucor).

Sa panayam, sinabi ni Poe na “kung baga sa pelikula, akmang-akma o bagay na bagay ang role ni Dela Rosa bilang hepe ng Bucor dahil talamak sa illegal drugs ang NBP.

“Sa tindig pa lamang ng pangangatawan at sa mga nagampanang tungkulin ni Bato bilang hepe ng PNP na lumalaban sa droga nararapat itong maging BuCor Chief na siyang mamamahala sa NBP sa Muntinlupa City,” ayon kay Poe.

Samantala, nagbabala naman si Senador Panfilo Lacson sa mga drug traders sa NBP na tigilan na ang kanilang operasyon sa illegal drugs dahil kakastiguhin sila ni Dela Rosa sakaling maupo ito sa Bucor.

Ipinunto pa ng mambabatas ang mga nahuhuling suspect sa illegal drugs ng PDEA na kapag na-interrogate nila lumalabas na nanggagaling sa loob ng NBP ang drugs.

Kasabay nito iginiit ni Lacson na kilala nito si Bato na mission oriented na kapag binigyan ng trabaho kailangan tapusin o linisin nito kahit na ano pa ang mangyari.

Dagdag pa ni Lacson na tiwala ito kay Bato na titigil ang operasyon ng illegal drugs sa Bilibid dahil kung hindi extreme measure ang aabutin nila kay Dela Rosa. ERNIE REYES

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply