Pulis na ‘di magsusuot ng body cam, parurusahan

BINALAAN ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Dir. Oscar Albayalde kaninang Huwebes ng umaga ang mga pulis na hindi gagamit ng body cameras na inisyu sa kanila.

“Pwede (ng negligence), pwedeng imbestigahan ‘yung police na designated na may body camera at patay ‘yung body camera during operations lalo na kapag may engkwentro dahil that will create doubt na naman at bakit na off bigla ‘yung camera,” pahayag ni Albayalde sa mga reporters.

Hindi aniya maaring idahilan ng isang police officer na ang kanyang body camera ay humina ang baterya.

Kaugnay nito, ininpeksyon ng Metro Manila police chief kaninang umaga ang isang checkpoint sa Shaw Boulevard na inilatag ng Pasig City police na nakasuot ng body cameras na ibinigay ng Pasig City government.

Nagpunta rin ito sa Brgy. Pineda sa Pasig City para tignan ang Oplan Galugad ng mga pulis na may suot na body camera.

Bukas din ang kanyang palad sa mga nais na mag-donate at sinabi na malaki ang maitutulong nito sa police force.

“Ito in preparation kung talagang ibalik sa atin ‘yung war on drugs. At least nagi-start na tayo tumanggap ng donations like itong sa Pasig. Ito ay tulong na ibinigay sa ating mga request na habang wala pang pondo for the body cameras for the whole PNP ay ‘yung mga local chief executives muna ang nagbibigay sa atin,” pahayag nito.

Hindi aniya lahat ng police officers ay nakakapagsuot ng body cameras dahil kakaunti pa lamang ang bilang nito.

May 48 body cameras ang naibigay sa 10 Police Community Precincts, Special Reaction Unit (SRU) at Pasig City Police Station Operating Units.

Sinabi rin nito na ang pagsuot ng body camera ay magsisilbi rin na proteksyon sa kanilang tauhan. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply