Pulis na napatay ng drug suspect, dinalaw ni Digong

DINALAW nina Pangulong Rodrigo Duterte at Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa ang burol ng yumaong si PO3 Wilfredo Gueta.

Si Gueta ang pulis na namatay matapos makaengkwentro ang isang kilalang drug suspect sa Pasig City noong Lunes ng tanghali.

Ginawaran ni Dela Rosa si Gueta ng posthumous Medal of Merit o Medalya ng Kagalingan. Bukod pa ito sa ibang tulong para sa pamilya Gueta.

Maging si PO1 Raymond dela Cruz na kasama ni Gueta at siyang nakapatay sa drug suspect ay ginawaran din ng parangal at binigyan ng bagong baril.

Sa panayam kay Pangulong Duterte matapos ang pagbisita nito sa nasawing pulis ay inulit nito ang kanyang matinding galit sa mga drug suspect.

Muling binantaan ng pangulo ang mga tulak at gumagamit ng iligal na droga na uubusin niya ang mga ito. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply