Pulis tigok sa barilan vs drug suspect

TIGOK ang isang pulis habang isa pa niyang kasamahan ang nasugatan dahil sa pakikipaghabulan sa mga drug suspect na kanilang tinutugis sa Caniogan, Pasig City.

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Dir. Oscar Albayalde na nasawi si PO3 Wilfredo Gueta matapos tamaan nang dalawang beses sa dibdib.

Kinilala naman ang sugatan niyang kasamahan na si PO1 Raymond dela Cruz, habang kumpirmadong patay din ang suspek na si Roberto Lianugo dahil sa mga natamong tama ng bala sa katawan.

Nagtungo nitong Lunes ng tanghali ang mga pulis ng Pasig City sa Katarungan St. upang beripikahin ang mga pagkakakilanlan ng mga hinihinalang gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga sa nasabing lugar.

Gayunman, tinakbuhan ni Liaguno si Gueta at iba pang mga pulis na hinabol siya hanggang sa nakarating ang suspek sa kanyang bahay.

Nang pasukin ito, doon na nagsimulang paputukan ni Liaguno ang mga pulis na humabol sa kanya partikular si Gueta na nasa likod lang niya.

Nagawa namang makipagpalitan ng putok ni Dela Cruz kay Liaguno at sa isa pang suspek, dahilan para magtamo ng mga tama ng bala sa katawan si Liaguno.

Naisugod pa sa Rizal Medical Center sina Gueta at Dela Cruz, ngunit hindi na kinaya ni Gueta at idineklara siyang patay pasado alas-2:00 ng hapon. Idineklara namang dead-on-arrival si Liaguno.

Dalawang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia ang nasabat ng mga pulis sa crime scene. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply