Russia ban sa 2018 Winter Olympics

PINAGBAWALAN ng International Olympic Committee (IOC) na maglaro ang bansang Russia sa 2019 Winter Olympics na magaganap sa Pyeongchang, South Korea.

Ito’y matapos lumabas sa imbestigasyon na nagsagawa ang Russia ng “doping” o pagturok ng droga sa kanilang mga atleta upang mapaganda ang performance ng mga ito sa nakaraang 2014 games na mismong Russia ang nag-host sa bayan ng Sochi.

Tumagal ang imbestigasyon sa naging pandaraya ng Russia ng 17 buwan sa pangunguna ng dating pangulo ng Switzerland na si Samuel Schmid.

Ilang beses na tumanggi ang Russia sa mga alegasyon ngunit nakakalap ng sapat na ebidensya ang grupo ni Schmid para patunayan ang manipulasyon.

Gayunpaman, papayagan ng IOC ang ilang mga atleta ng Russia kung mapatutunayan ng mga ito na sila’y malinis ngunit maglalaro lamang sa ilalim ng isang ‘neutral flag’.

Maglalaro ang mga ‘clean athletes’ sa ilalim ng pangalang Olympic Athlete from Russia o OAR.

Ang Winter Olympics ay magsisimula sa February 9, 2018. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply