‘Samurai’ nanaga sa Tokyo, 3 tigok

PATAY ang tatlong katao sa pananaga gamit ang isang ‘samurai sword’ sa alitan ng magkapatid sa Tokyo, Japan.

Naganap ang pananaga sa Shinto Shrine matapos saksakin at tagain ang isang punong saserdote o ‘chief priestess’ ng kanyang kapatid na lalaki.

Kasama rin sa insidente ang asawa ng umatake na pinagsasaksak din ng espada ang driver ng saserdote.

Gayunpaman, nakatakas ang driver na nagkaroon ng hindi malalalang sugat.

Ayon sa mga pulis, kinompronta ng suspek na nakilalang si Shigenaga Tomioka, 56, ang kanyang babaeng kapatid na saserdote na si Nagako Tomioka nang bumaba ito sa sasakyan.

Inundayan ng saksak sa dibdib ng lalaki ang kanyang kapatid at nilaslas ang likod ng leeg nito na dahilan ng kanyang kamatayan.

Samantala, pinagsasaksak din ng suspek ang kanyang asawa hanggang sa mamatay ito bago kitilin ang sariling buhay.

Narekober sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang Samurai sword at ilan pang mga kutsilyo na ginamit sa pamamaslang. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply