Seguridad mas paiigtingin hanggang Bagong Taon

INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na paabutin nila hanggang sa pagdiriwang ng Bagong Taon ang mas matinding police visibility sa mga lansangan.

Ito’y para matiyak ang kaligtasan at kapayapaan hanggang sa susunod na holiday matapos ang Kapaskuhan.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde, pagtutuunan nila ng pansin ang matataong lugar at mga mahahalagang pasilidad.

Aniya pa, doble na ang kanilang pasisikap para siguruhin ang kaligtasan ng publiko ngayong holiday season.

Kasama naman sa target nila sa kanilang pagbabantay ay ang makamit ang mas mababang insidente ng indiscriminate firing.

Samantala, ngayong nalalapit na ang pagsalubong sa Bagong Taon, pinaalalahanan ni Albayalde ang mga magulang na bantayan ang mga anak sa paggamit ng paputok at tiyaking huwag gumamit ng ipinagbabawal na paputok ang mga ito. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply