Sereno walang respeto sa court en banc – De Castro

TILA pinagkaisahan ng mga mahistrado ng Korte Suprema si Chief Justice Maria Lourdes Sereno kung saan inireklamo nito ang naging ugali ng Punong Mahistrado na umaakto at nagdedesisyon na mag-isa at isinantabi ang en banc sa mga desisyon sa Kataas tasang hukuman.

Ayon kay Associate Justice Teresita Leonardo de Castro, mula nang maupo si Sereno sa SC ay nagkaroon na ito ng kaugalian na magdesisyon mag-isa nang hindi kinukunsulta ang en banc.

Sa pagtatanong ni Deputy Speaker Ferdinand Hernandez kung hindi ba naiinsulto ang justices sa ganitong patakaran ni Sereno sinabi ni retired Associate Justice Arturo Brion na dahil hindi kinonvene ni Sereno ang Ethics Committee ay walang naging paraan ang justices kundi ipaabot ang kanilang sintimyento hanggang sa mauwi na ang lahat sa negatibong sintimyento ng SC sa Punung Mahistrado.

Sinabi ni Justice Francis Jardeleza na 15 ang justices ng SC at hindi lamang si Sereno ang en banc kaya igigiit nila na ang rule of law ang masunod.

Ilan sa mga inirereklamo kay Sereno na tinuturing ng mga mahistrado na may malisya ay ang pagharang nito sa unang appointment sa SC ni dating Solicitor General Francis Jardaleza kung saan minanipula umano nito ang proseso sa Judicial and Bar Council para ma-exclude si Jardaleza, ikalawa ay ang pagtatag ng Regional Court Administrator’s Office (RCAO) sa Region VII ni Sereno na walang pahintulot ng en banc, ikatlo ang mabagal na paglipat ng Maute case sa Taguig City, ang mabagal na pag-aksyon sa Survivorship benefits at ang kontrobersiyal na pagbabago sa Temporary Restraining Order para sa Senior Citizezns partylist.

Sa lahat ng mga desisyon na ito ni Sereno ay tiniyak naman ng SC en banc na maitama ang mga ito. GAIL MENDOZA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply