Si Bea, losyang? Buhkit?!

HAPPY ang mga Revilla dahil nakapiling nila kahit pansamantala lang at few hours lang, si senator Bong Revilla.

Nakita namin ang photos ni senator Bong with his family and some friends sa bahay nila sa Cavite noong Pasko.

Talagang tuwang-tuwa ang buong Revilla clan sa kanyang stay sa bahay nila noong Christmas.

Ang netizens naman ay hati ang opinion sa pagpapalipas ng Pasko ni senator Bong sa piling ng kanyang pamilya.

“Ok lang sa akin na makalabas sya temporary. Hindi pa naman napatunayan ang kaso nya eh.

Marami pang politiko na malaya ryan na mas masahol pa ang ginawang pagnanakaw kaysa kay Bong Revilla.

Panay lustay sa pera mg gobyerno, walang pakundangan na pangingibang bansa na ang ginawa ay siraan ang presidente. happy ako khit papaano masaya xang nkapiling pamilya nya sa ganitong special na occation.”

“Tama, komo sikat at mapera khit mabigat kaso pwede magpasko kasama ng pamilya. pag walang pera nakakulong mabulok ka.”\

“Ok lng daw makakaya si Bong dahil hindi pa napapatunayan. Tama, ang problema hindi parehas ang administrasyong ito, pag kakampi panilalaya kahit malinaw ang kasalanan pero pag kalaban sa politika kahit walang kaso gagawan ka ng kaso para mapakulong ka nila!”

“Dami rin namang nakakulong na di pa nahahatulan dahil di pa napatutunayan sa mga bintang na kasalanan pero di naman nakalalabas di naman nakakasama ang pamilya sa ganitong okasyon ung iba nga bonding pa sa hongkong ung iba milyones ang kaso pero abswelto kalakaran sa Pinas kaya pinoy nganga.”

***

Kumalat at naging viral ang photos nina Bea Alonzo at Gerald Anderson na sa US nagpalipas ng Pasko.

Ang daming na-sweet-an sa gestures nila sa IG photos nila pero meron ding nambastos kay Bea at tinawag itong losyang.

Hindi naman nagpaawat ang fans ni Bea at hindi nila tinantanan ang basher ng aktres.

“Ang tanong ung nam bash kay bea na losyang siya kaya ano kaya hitsura nya kung tutuusin maganda pa nga si bea kasi kaya yan ang mukha nya kasi payat siya kaya huwag mapang husga tingnan muna hitsura nyo kung mas maganda pa ba kayu kay bea at artista ba kayu nakaloloka kung manghusga wagas dina lang itikom mga bunganga nyo ehhh.”

“Ang nag comments ug lusyan cya na Yun bakit ma lusyan c Bea na more blooming nga cya inggit lng cya ung nag Sabi nga lusyan c Bea kac hand cya ma punta Ng US at Chaka Walang mgdala sa kanya kac lusyang cya walang pera at Chaka Walang bf mg dala kahit saan punta inggit ka basher ikw my lusyang hmd ako ai hnd c Bea ok ok ok.”

“Ang galing ng mukha mo…maka lusyang salamin ka muna bago ka mka lusyang kay bea nuh kakahiya nman sayo…..”\

“Hi mga comentarista, bawal po talaga manghusga…Agree? ‘yong hinuhusgahan mo, hnd mo kilala at talo ka sa ganda at yaman nya hahaha…” UNCUT/ALEX BROSAS

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply