Singil sa kuryente ng Meralco, bababa

MAGPAPATUPAD ng kaltas sa singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Disyembre.

Ayon sa Meralco, P0.38 kada kilowatt hour (kWh) ang mababawas sa December bill.

Sinabi ng Meralco na naging maganda ang sitwasyon ng power grid noong Oktubre kaya nagkaroon ng reduction.

Dahil sa nasabing bawas sa singil, ang mga consumers na kumokonsumo ng 200 kWh mayroong P75 na bawas sa bill.

Kung 300 kWh naman ang konsumo sa isang buwan ay nasa P113 ang mababawas sa bayarin.

At kung 400 at 500 kWh ang konsumo ay P151 – P189 ang mababawas sa kanilang December bill.

Maliban sa maayos na sitwasyon sa power grid, nakatulong din para sa bawas singil ang malakas na palitan ng piso kontra dolyar. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply