Somalian national patay sa loob ng hotel sa Caloocan

ISANG 39-anyos na bading na Somalian national ang namatay matapos mag-check-in sa isang hotel kasama ang kanyang Filipino boyfriend sa Caloocan City, kaninang umaga.

Si Ziyad Abdul y Abdulkadir, call center agent at pansamantalang naninirahan sa Barangay 80, Caloocan City ay isinugod ng mga rumespondeng tauhan ng Rescue Team ng Dream Panter sa pangunguna ni Francisco Zapata sa Manila Central University (MCU) hospital subalit hindi na umabot nang buhay.

Ayon kay Caloocan police deputy chief for administration Chief Insp. Ilustre Mendoza, nagcheck-in ang biktima kasama ang kanyang massage therapist boyfriend na si Renemarc Baniqued, 26, ng 2016 Torres Bugallon St. Bgy. 203 Tondo, Manila sa Novo Hotel na matatagpuan sa kahabaan ng Rizal Avenue Ext. malapit sa terminal ng LRT Monumento noong Disyembre 18 kung saan sila nagdiwang ng Pasko.

Sa salaysay ni Baniqued sa pulisya, nasa loob ang biktima ng banyo ng hotel dakong 10 ng umaga nang marinig niya ito na humihingi ng tulong.

Nang puntahan nito sa loob ng banyo, sinabi sa kanya ng biktima na wala na siyang makita na kahit anu na naging dahilan upang agad itong niyakap ng kanyang boyfriend subalit agad itong nawalan ng malay. RENE MANAHAN

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply