Special host lang at malamang isang season lang ang itatagal niya sa show!

HINDI na si Luis Manzano ang magho-host ng season 6 Pilipinas Got Talent dahil ayon sa management decision, si Toni Gonzaga na ang papalit sa kanyang puwesto sa nasabing reality-search show na kanyang hinawakan simula pa ng ganitong klaseng show.

Ayon naman kay Luis, kanya umanong tinanggihan ang nasabing hosting job for his own personal reason. Ayon sa kapapanalong Best Male Show host sa Philippine Movie Press Club, wala raw siyang kinikimkim na sama ng loob dahil sa pangyayari dahil maayos naman daw itong nakipag-usap sa management higit pa kay direk Loren Dyogi sa panibagong palitan ng host.

Agad namang nilinaw ni Toni na special host lang siya sa show at malamang ay baka mapanood lang siya ngayong season 6.

“Siyempre, nagulat ako, kasi parang it came out of nowhere na biglang tinawagan kami ni Direk Loren. I think just for this season. I’m not sure if I’ll be with the show next season.

“Just for this season, special host lang,” paglilinaw ni Toni.

Touched naman si Toni sa naunang pahayag ni Luis na magiging malaking “upgrade” para sa show ang pag-host ni Toni rito.

Aniya, “Naks! ‘Di naman.

“Show namin ni Luis yun and ni Billy. We are all family in ABS. We’re here to support and love each other…

“Be there for each other kung anong show ang i-assign sa atin ng management.

“Wala pa namang PBB and wala pa namang other shows that I’m doing, so ayos naman siya sa schedule ko, so I said yes.

“I’m friends with Vice, I’m friends with Angel, all of them, Sir FMG [former ABS-CBN president and CEO Freddie M. Garcia] and si Mr. Robin Padilla,” ani Toni.

Pagmamalaki sa amin ni Toni, napatunayan niya kung gaano kaganda at ka-exciting ang PGT kunsaan ibang-iba pala kapag napapanood mo ito sa live kaysa sa TV.

“Nakapanonood naman ako. It’s very different when you watch it live and when you watch it on TV.

“Kasi sa live, mas ramdam mo yung action, mas ramdam mo yung puso, mas ramdam mo ang lahat ng nangyayari sa bawat minuto ng programa.

“Sa TV, dahil medyo pinagkakasya siya sa airtime, minsan napanonood mo yung kabuuan pero yung pili moments, ang saya.

“Actually, sabi ko kay Billy, napakasaya pala ng PGT.

“Akala ko puro intense — nakanenerbiyos, nakakakaba. All in all it was a fun show.

“Sobra kong na-enjoy, sobra kong nakapalagayan ng loob lahat ng mga tao, kasi it’s also the same people ng The Voice, same people ng PBB, so parang ‘di siya bago sa akin.”

Masasabing parehong magaling at ‘di matatawaran ang husay sa hosting nina Luis at Toni.

Sa kabila nito ay tanggap naman ni Toni ang pagkukumpara sa kanila ng mga netizens. Nasanay na raw ito sa ganitong paraan, ang pagkukumpara sa ibang host. “Sanay na. Nung di pa ako pumapasok sa industry, kinu-compare na ako kahit kanino.

“Kahit nung bago pa lang ako, ganito, pini-pit ako against other artists, so sanay na.

“Siguro pag medyo tumagal ka nang kaunti sa trabahong ito, alam mo na it comes with the territory.

“Sa edad namin, sina-shrug off na lang namin yung mga ganun.

“Wala na, ‘di na ako naaapektuhan sa comparisons. Alam naman namin ni Luis ang strengths and weaknesses namin.

“I think more than me not being conceited or what, mas confident kami kung ano ang kakayanan namin,” kanyang bersyon. ADORE-ABLE!/ADOR SALUTA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply