Steal & slam ni Rozier nagsalba sa Celtics vs Pacers

NAUNGUSAN mula sa dikit na laban ng Boston Celtics ang Indiana Pacers kaninang umaga, 112-111.

May 09.03 segundo na lamang ang natitira nang ma-steal ni Terry Rozier ang bola mula sa panselyong possesion sana ng Pacers sabay dunk na nagpaabante sa kanila.

Nanguna para sa Celtics si Kyrie Irving na may 30 points na sinuportahan din nina rookie Jayson Tatum na may 16, at Marcus Smart na may 15 points upang mapanatili ang kanilang koponan sa top spot ng Eastern Conference.

Hindi naman umubra ang homecourt advantage at pambihirang ipinamalas ni Victor Oladipo na nagtala ng 38 points para sa Pacers.

Ito na ang ika-limang sunod na panalo ng Boston laban sa Indiana.

Samantala, naisahan ng no. 12 seed Charlotte Hornets ang New York Knicks na nasa pangwalong puwesto matapos sungkitin ang kanilang ika-11 panalo ngayon season, 109-91.

Namuno si Frank Kaminsky sa kanyang season-high 24 points, na sinuportahan pa ng 15 points at 10 rebounds ni forward Michael Kidd-Gilchrist.

Samantala sa panig ng Knicks, bagama’t bumuhat ng 23 puntos si Michael Beasley, at 9 rebounds, bigo pa rin nitong maiangat ang morale ng team para maipanalo ang laban.

Mula first quarter ay angat na sa puntos ang Hornets, ngunit nasuwag ng New York sa huling quarter.

Sa kabila nito, isinara pa rin ng Hornets ang laban sa 18 points na kalamangan.

Ito na ang ika-11 panalo ng Hornets sa kanilang homecourt sa Spectrum Center, Charlotte, North Carolina. BOBBY TICZON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply