Suggestion box kontra illegal drugs, pinakalat sa QC

AABOT sa 142 barangays ng Quezon City ang ipinagpakalat ng mga suggestion box kontra illegal drugs sa mga barangay at simbahan na layuning matulungan ang pamahalaan para maibsan ang problema ng iligal na droga sa lungsod.

Sa paglulunsad ng suggestion box project, sinabi ni QC Vice Mayor Joy Belmonte naisip ng kanyang tanggapan na lagyan ng suggestion box ang mga barangay at simbahan upang maging isa na lamang na lagayan ang sisidlan ng mga suggestion na nais na maiparating ng publiko sa mga kinauukulang opisyal ng gobyerno.

Aniya pa, hindi lamang tungkol sa illegal drugs campaign ang adhikain ng mga suggestion box kundi magiging daan din ito sa pagtanggap ng boses ng bayan sa usapin ng corruption, kriminalidad at violent extremism upang maaksyunan at masolusyonan ng mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan.

Sa isang press conference kanina, Disyembre 18, Lunes, sinabi ni Belmonte na kapag tungkol sa illegal drugs at kriminalidad ang reklamo ay agad na ipararating sa tanggapan ni QC Police Director Chief Guilermo Eleazar para aksyonan, kung sa corruption ay sa QC government at kinauukulang ahensiya at magkatulong namang aaksiyonan ng local na pamahalaan at QC Police ang problema sa usapin ng violent extremism.

Sa kanyang panig, sinabi ni General Eleazar na malaking tulong ang programang ito sa kampanya laban sa krimen at illegal drugs dahil sa mga impormasyon na makukuha mula sa suggestion box.

“Itong suggestion box ay parang text info na aming matatangap, ito ay mga info na kailangang kunan naming ng mga ebedensiya ito ay boses na kailangan aksiyonan kaya, we look for the evidence,kung ang concern ay sa isang police station sa QC ay agad naming itong ibibigay sa concerned police station for action, we will validate to prove na may ganitong pangyayari,” ani pa ni Eleazar.

Hinikayat din ng mga ito ang media na palagiang mapagmasid at iulat ang mga tunay na kaganapan sa mga kampanya ng pamahalaan kontra illegal drugs. SANTI CELARIO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply