Supulturerong nagbago na, utas sa pusher

PATAY ang sinasabing dating drug addict matapos itong pagbabarilin ng apat katao kabilang ang isang drug pusher nitong Linggo ng hapon, Dec. 17, sa Malabon City.

Ayon kay Malabon police investigator C/Insp. Paul Dennis Javier, si Rogelio Sta. Maria, 49, ng 54 Tumariz St., Brgy. Tugatog ay namatay mismo sa pinangyarihan sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at sa katawan habang ang suspek na mabilis na tumakas ay nakilala lamang sa alyas na “Bitog” kasama ang tatlo pa.

Lumalabas sa imbestigasyon na naglalakad pauwi ang biktima pasado alas-2:40 ng hapon sa harap ng Tugatog Cemetery kung saan apat na lalaki sa panguna ni Bitog ang humarang sa daan ni Sta. Maria at walang sabi-sabing pinagbabaril ito nang malapitan sa ulo at katawan na agaran nitong ikinamatay.

Nabatid na sumuko na noon ang biktima sa pulisya sa kasagsagan ng Oplan Tokhang.

Sinabi ng ilang residente sa lugar na si patuloy na kinukumbinse ni Bitog ang biktima na magpatuloy sa pagtulak ng droga subalit mahigpit itong tinaggihan ang nasabing alok. ROGER PANIZAL

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply