Taon ni Aiko Melendez!

ISINISILANG na ng aktres na si Kaye Abad ang kanilang first baby ni Paul Jake Castillo.

Isang malusog na sanggol na lalake ang isinilang ni Kaye.

Sa Instagram post ni Kaye, ibinahagi nito ang larawan nilang mag-anak, ito ay may caption na:

“Happy birthday daddy and happy birthday Joaquin!”

Labis namang nagpasalamat si Paul Jake sa kanyang Instagram live post makaraang manganak ng kanyang misis. Sinabi rin nito na si Kaye ay nagdaos ng stress-free delivery.

Si ‘Baby Joaquin’ ay ang unang baby nina Kaye at Paul Jake. Sila’y ikinasal noong December 2016.

Nauna nang inihayag ni Kaye na nais niyang magsimula ng pamilya kapiling si Paul Jake. Aniya, nais niya ang magkaroon ng tatlong anak at mas ipa-priority daw niya ang pamilya dahil matagal na daw niya itong hinintay ang maksama ang perfect na lalaki at makabuo ng isang maasayang pamilya sa piling ni Paul Jake at magiging anak pa nila.

Sa inyo Kaye at Paul Jake, isang malaking Congratulations!

***

NAKALABAS na ng kulungan sa Angeles City Jail si Mark Anthony noong December 22. Na-dismiss umano ang kaso nitong transportation of illegal drugs, at ang misdemeanor na lang ang naiwan.

Sa kasalukuyan ay ayaw munang magsalita ni Mark Anthony sapagkat nais raw muna niyang magpahinga at makasama ang kanyang pamilya ngayong Pasko. Katulad niya, tikom din ang bibig ng kanyang pamilya.

Gayunman, ito raw ang pinakamasayang Pasko ng buong pamilya.

Si Mark Anthony ay anak ng yumaong aktor at dating action star na si Rudy Fernandez at actress-turned-politician na si Alma Moreno.

Para sa kay Alma, ina ni Mark, isang malaking regalo daw ito para sa kanilang pamilya ang maagang paglaya ni Mark.

Matatandaang naaresto si Mark Anthony sa Pampanga, kung saan ay nakuha ang isang kilo ng marijuana sa passenger seat ng kanyang sasakyan.
Itinanggi ng aktor na sa kanya ang marijuana at wala raw siyang ideya kung saan nanggaling ito.

Dagdag pa niya, gumagamit lamang siya nito para makaiwas sa kanser.

***

Masasabing isa ang 2017 sa masuwerteng taon ng magaling na aktres na si Aiko Melendez dahil sa muling pamamayagpag ng kanyang acting career, gaya ng iba niyang mga kasabayan noon, lalo’t mahigpit ang kompetisyon ngayon sa showbiz.

Muling nag-boom ang karera ni Aiko dahil sa pagkakasama sa teleseryeng Wildflower bilang Emilia Ardiente-Torillo; isa sa mga pangunahing kontrabida sa buhay ni Lily Cruz a.k.a. Ivy Aguas na ginagampanan ni Maja Salvador.

Nakatanggap siya ng parangal dahil sa mahusay na portrayal niya sa kanyang role sa naturang teleserye.

Kaliwa’t kanan din ang paggawa niya ng mga pelikula tulad ng “BalatKayo”, “New Generation Hero”at marami pang iba.

Samantala, bago matapos ang taong 2017, tampok siya sa isang lifestyle magazine na Spotted Magazine. Makikita ang kanyang hot and sexy photos na talaga namang kapansin-pansin. Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ni Aiko ang kanyang ika-42 kaarawan kasama ang cast ng Wildflower at ilang malalapit na mga kaibigan.

Kamakailan na naitampok na rin ng Spotted Magazine si Andrei Yllana, ang kanyang guwapong anak sa ex-husband niya na si Jomari Yllana, sa issue nito noong Agosto 2017.

Maghahasik pa din ng lagim ang character ni Aiko bilang si Emilia sa seryeng Wildflower para sa kanilang book 2 na mapapanood pa din tuwing weeknights bago ang TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

Nagpapasalamat naman si Aiko sa RSB unit ni direk Ruel Bayani, sa kanyang direktor na si Raymund Ocampo, mga writers, crew andn staffs most especially sa masipag at mabait na executive producer na si Jayson “Amour” Tabigue. ‘Yun nah! SABEEE!/TROY CATAN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply