The who times two!

WALA namang duda na picture of a blooming bride si Max Collins at talagang debonair groom si Pancho Magno.

Ang mga larawan nilang dalawa na masisilayan sa social media, kitang-kita na perfection ang kanilang styling, at alam mong they made sure na they pulled all the strings para maging elegante at memorable para sa kanila at sa kanilang mga kapuso at kaibigan ang katatapos lamang nilang kasalan.

Ano ang kasunod nito? Siempre, honeymoon, a baby perhaps?

At sana, mas tumaas ang public awarenesss at acceptance sa kanila daphil pwede silang maging showbiz power couple kung tutuusin.

Of recent memory, kahit maganda talaga itong si Collins at barakong-barako ang pangahan at maskuladong si Magno,

Nung rumampa ang mag-sing irog sa isang under wear fashion extravaganza, the WHO times two ang dalawa.

Walang audience reaction at impact ang kanilang pag-rampa. Bakit kaya?

Si Max, may pangabog at prestigious na motion picture, ang Citizen Jake ni film master Mike de Leon.

Walang dudang career turning ang proyektong ito for her at super push ang kanyang karera sa a-list status at mapatutunuyan niya sa lahat na she is not just another mestiza starlet.

Pumasa siya sa pihikang panlasa ni direk Mike. Ibig sabihin, may husay talaga siyang taglay at tiyak na unleashed it sa pelikula.

Si Magno, well, well, well….. dapat sumali at mas mag-aral pa siya sa mga palihan para sa pag-arte at kung pwede, he acts in a Filipino theater production para mawala ang kanyang stiffness at mas maging natural at makatotohanan sa pagganap.

He has a lot of room to improve and with his height and bulk, he can reinvent himself as a top notch character actor.

Sa mga bagong kasal, may you live happily ever after at yes oh yes, go forth and multiply na dahil walang dudang magiging artistahin ang mga future kids ninyo.

***

Ikinasal na rin sina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan.

Ang dati nilang you and me against and we hope the world understands our relationship, eh nagsimula na talaga ang new forever dahil nga they have exchanged their I do’s at may pangako na silang to love and to hold, for better and for worst, for richer and poorer, till death do they part.

Alam naman natin this is not AiAi’s first marriage, ito ang una ni Gerald.

Sa pagpapakasal nilang ito, pinatunayan nilang dalawa na sa pagmamahal, age does not matter at cliche as it may seem, pero love truly conquers all.

May mga nilalang pa rin na hindi comfortable sa kanilang union/relasyon pero tila sagot sa mga dasal ni AiAi ang kanyang Gerald kaya sa mga inggitera at katkatera, ano pa ba ang magagawa niyo, kahit may happy fiesta kayo sa bashing at hating sa dalawa, walang epekto yan sa bagong Mr. and Mrs. Sibayan.

Kung sakaling magkaka-supling sila biologically despite AiAi’s ripe age, hindi na imposible yun. Sorry na lang kay Elsa, may himala sa pagmamahalan nila, neng!

***

Nagkakagulo ang mga walang magawa sa buhay dahil nga nagbagong anyo si Miho Nishida,

The WHO si Miho Nishida? Yun na! Ang harsh niyo sa kanya, dear Remate readers. I am so sure tuwang-tuwa kayo nung maghiwalay ang dekolor at puti nila ni papable papa Tommy Esguerra.

Kung sabagay maliban sa pagiging odd lovers na alam mo namang scripted at pilit na pilit, yung pagiging mag-jowa nila ni Esguerra ang tanging claim to fame nitong si Nishida.

Ay may isa pa pala, yung kanyang pagiging murderer of the King’s Language. Kwela nung una pero nakauumay rin.

Sa mag before and after photos niyang pinagpiyepiyestahan sa mga social networking sites, halatang “bago” ang kanyang ilong, mas tumangos.

May magic to win ring kaganapan sa kanyang mga mata. May tamang-tamang umbok ang kanyang mga pisngi na hindi naman prominent dati.

Para ring go for for gold ang kanyang pag-glu-gluthatione drip dahil mas pumuti at kuminis ang kanyang kutis at balat.

Kung sa pakiwari niya ay nadagdagan ang kanyang ganda at confidence boost ito , eh di sige. Nagmamayaman ka naman pala, may budget ka for cosmetic enhancements. It is you na already.

Ang tanong, gumagalaw pa ba ang facial muscles niya? Baka naman after all these turok here, turok there, turok every where alang-alang sa kariktan, eh mabansagan siyang Millennial Gretchen Barreto, ang babaing hindi na gumagalaw ang fezlak, huh!

Wala pa nga siyang napapatunayan bilang aktres tapos hindi na gumagalaw ang fezlak niya, paano na yan? Kalurks. And I cannot help but wonder, when she looks at herself in the mirror, who is the girl that she sees?

***

Nabaliw sa yakap ni Ivan Dorschner!

Tapos na ang Christmas party season sa showbizlandia para sa diva that you love. Kaya nagpapasalamat ako sa imbitasyon at impor- tansya mula sa ABS-CBN at GMA 7, ang dalawang higanteng broadcast networks na nag-imbita sa kanilang parties para sa press.

Ang hinding-hindi ko makalilimutang ganap sa Kapuso party, ang tighter than tight embrace ni Ivan Dorschner. I have not received that kind of embrace for a long time so it was both a pleasant and pleasurable surprise.

With matching hawak kamay pa after the embrace habang binibida niya ang susunod na proyekto niya para sa network. Para raw itong Sex In The City Pinoy version kung saan isa siya sa male leads. Si Dennis Trillo raw ang parang magiging si Mr. Big.

Sayang nga lang na walang photo ang Ivan-Alwin embracing moment dahil nga yung dapat kumuha, na tulala lalo na nung masaksihan niyang OA sa higpit ang yakapan namin at si Dorschner pa talaga ang nagpasimuno sa yakapan.

Aliw rin ang reaksyon ni Bruno Gabriel Santos na bago kami mag-strike a pose and Vogue, ibinulong ko sa kanyang. “You look different with your clothes on,” tawang-tawa ang binatang kay simpatiko.

Isa pang nakatutuwa kay Bruno, nung kami ay kinukunan na at ipinatong ko ang kamay ko sa kanyanf tiyan, chill ang binata. Confident siya sa kanyang abs na talaga namang flat at firm.

May photo moment rin with David Licauco at kung Rice Queen ka talaga, you will like him dahil pang Asian drama ang kanyang looks. Sana ma-cast siya sa Boys Over Flowers. Pasok na pasok siya run. May balita rin na may launching movie na raw itong si Davis sa susunod na taon at si direk Joel Lamangan ang pipiga sa kanyang pagka-aktor.

***

Sa Kapamilya party, gusto ko yung In Memoriam segment, ang mga contests kung saan lumahok ang ilang press members, ang I Can See Your Voice at Ms Q and A.

Bet na bet ko rin ang group photo on the Dolphy Theater stage. Kaka-touched.

Salamat rin sa Star Magic na nag-imbita sa isang simpleng merienda cena.

Dahil MMFF season ngayon, sa mga pelikulang Ang Panday, Ang Larawan, Deadma Walking at Siargao, sa mga respective publicists at PR specialists ninyo, maraming salamat sa pag-iimbita.

Sa Ang Panday, kung saan damang-dama talaga ang pasasalamat at pagmamahal ni Coco Martin aka direk Rodel Nacancieno, kinilig ako nung may I beso siya sa bumbunan ko.

***

Si Paulo ang isa sa mga artistang lalaking tuwang-tuwa ang diva that you love.

Lagi niyang naalala kung kailan kami huling nagpa-picture together.

Dati, nung may isang event siya sa isang mall sa Makati, the Universe conspired na magkasalubong kami. May mga security escorts siya, lumabas talaga siya from the cordon, lumapit sa akin at bineso ako.

Kaya sa press payanig ng graded A na Ang Larawan, ilang beses kaming may picture, magkatabi kami nung chikahan na at may bonus pang photo kung saan magkayakap kami.

Super kilig to the max. Naku, Paulo, love, love, love na talaga kita forevermore.
***

Sa Deadma Walking, gusto ang commitment at passion ng lead cast nitong sina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman, lalong-lalo na ang direktor at writer tandem nina direk Julius Alfonso at Eric Cabahug na mapanood nating lahat ang isang different kind of love na pelikula.

Sa Siargao, bet na bet ko ang pag-I-Ingles ni Jericho Rosales na parang may Californian accent na, ang ganda ni Jasmine Curtis Smith na tunay na Inglisera, ang super sosyalin at tisoy na tisoy na si direl Paul Soriano, at ang kakaibang halakhak ni Erich Gonzales.

Salamat, of course sa Lord of Scents Joel Cruz at aktor na si Richard Quan na hindi nakalilimot na maka-alala tuwing holiday season.

Of course, salamat sa aming patnugot, si Pete Ampoloquio, for welcoming me sa Remate family.

At sa inyo, dear Remate readers, salamat sa pagbabasa, suporta at pagmamahal. Kapit bisig tayong lahat ngayong Kapaskuhan and beyond! AS IF/ALWIN IGNACIO

 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply