TRAIN law, makatutulong sa satisfaction rate ni Digong

KUMBINSIDO si Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar na malaki ang naging papel ng TRAIN law sa pagtaas ng satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Sec. Andanar, malaking tulong sa mga Filipino ang naturang batas dahil 90% ng mga nagtatrabaho ay bumaba o tuluyang nawala ang kanilang income tax.

Giit ng kalihim, mas mararamdaman na ngayon ng mga Filipino ang kanilang mga kinikita dahil sa pro-poor na sistema sa buwis.

Binanggit din ni Sec. Andanar ang libreng tuition fees sa mga State Universities and colleges at maging ang Conditional Cash Transfer na madadagdagan ng P200 kada buwan.

Ganunpaman, dapat din aniyang pasalamatan ang mga miyembro ng economic cluster ng presidente at maging ang Kongreso sa pagtaas ng rating ng pangulo dahil kasama sila sa mga naghirap para sa mga programang magpapadali sa buhay ng mga Pilipino.

Magugunitang sa pinakahuling SWS survey, 71% ang nagsabing satisfied sila sa performance ni Pangulong Duterte habang 13% ang dissatisfied at 15% ng undecided. KRIS JOSE

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply