Trike driver tepok sa pamamaril, kasama kritikal

DEDO ang isang tricycle driver habang kritikal naman ang kanyang kasama matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek makaraang saksakin nila ang caretaker ng swimming pool sa Caloocan City, kagabi.

Si Ariel Sangalang, 26, ng Brgy. 176, Bagong Silang ay namatay habang ginagamot sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan, habang ang kanyang kapitbahay na si Roel Jao Jao, 22, ay kritikal habang ginagamot sa naturang pagamutan sanhi rin ng tama ng bala.

Sa natanggap na ulat ni Caloocan police head of investigators C/Insp. Roden Santos Tejuco, dakong 9:00 ng gabi, nagtungo si Sangalang at Jao-Jao sa Robes Mini Mart Compound sa A. Robes 1, Brgy. 175, Camarin at hiniling nila sa caretaker na si Rodilo Borlasa, 38, na gamitin ang compound ng swimming pool.

Tumanggi ang caretaker kaya nauwi ang mga ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng patalim si Sangalang at dalawang beses na inundayan ng saksak sa katawan si Borlasa.

Nang bumagsak sa sahig ang duguang katawan ni Borlasa, magkakasunod naman na putok ng baril ang umalingawngaw kung saan tinamaan sa katawan sina Sangalang at Jao-Jao kaya agad isinugod ang mga ito kasama si Borlasa sa naturang pagamutan.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 5 at Special Reaction Unit (SRU) sa naturang lugar subalit nang papaalis na ang mga ito ay isang putok ng baril mula sa labas ng compound ang narinig kung saan tinamaan sa kanang hita ang tambay na si Julius Garcia, 28.

Patuloy ang follow-up investigation ng mga pulis upang matukoy ang pagkakilanlan ng suspek at maaresto. RENE MANAHAN

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply