Tubero lumusong sa water tank, dedo

DEDO na nang maiahon ang isang tubero na nalunod matapos lumusong sa water tank sa isang commercial building sa Rufino St., Makati City.

Kwento ni Richard Perez, maintenance worker, tutulong lang sana ang biktimang si Roland Ferrer sa pagkakabit ng floating valve pasado ala-1:30 ng madaling-araw nang bigla itong nakabitaw sa lubid.

Sa kasamaang-palad, hindi marunong lumangoy ang biktima at agad na nalubog sa water tank na may lalim na 10 hanggang 15 metro.

Agad naman na nagpasaklolo ang mga kasamahan ng biktima pero naging pahirapan ang pag-rescue dito.

Alas-2:48 nang maiahon ang biktima na iba na ang kulay sensyales na patay na ito. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply